4Ps ng DSWD, nakatulong sa pagbaba ng bilang ng child laborers sa bansa

Malaki raw ang naitulong ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development sa pagpapababa sa mga insidente ng child labor sa bansa. Ayon kay 4Ps National Program Manager Director Gemma Gabuya, layunin ng programa ang mapanatili ang mga kabataang benepisyaryo na makapagtapos ng edukasyon at maiayos ang kanilang kalusugan. Sa… Continue reading 4Ps ng DSWD, nakatulong sa pagbaba ng bilang ng child laborers sa bansa

Presyo ng Rice-for-All, ibinaba sa Php 42/kilo —DA

Ibaba na sa P42 mula sa P43 kada kilo ang presyo ng bigas na ibinebenta sa Rice-for-All program simula bukas para ipakita ang epekto ng pagbabawas ng taripa kamakailan. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na ang presyo para sa Rice-for-All program ay maaaring bumaba sa hinaharap depende sa global prices at piso-dollar… Continue reading Presyo ng Rice-for-All, ibinaba sa Php 42/kilo —DA

Higit 11,000 na benepisyaryo sa Davao Region, pinagkalooban ng halos P100-M ng AKAP

Nakapagpaabot ng halos P100-M tulong pinansyal ang pamahalaan sa pangunguna ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa may 11,808 na benepisyaryo sa Davao Region. Ikinasa ang AKAP payout sa iba’t ibang bayan sa Davao region katuwang ang DSWD, Office of the Speaker at Tingong party-list. Pagtiyak ni House Speaker Martin Romualdez na ipagpapatuloy ng pamahalaan… Continue reading Higit 11,000 na benepisyaryo sa Davao Region, pinagkalooban ng halos P100-M ng AKAP

Mga pamilyang apektado ng Bagyong Julian, nahatiran ng tulong ng PRC

Umabot sa 450 na pamilya o 1,600 na indibidwal ang apektado ng Bagyong #JulianPH at Habagat sa Northern Luzon. Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), namahagi sila ng mainit na pagkain sa mga evacuee sa Ilocos Norte. Nakapagbigay na rin ng mga gamot sa 72 na indibidwal at nagsagawa ng health lectures tungkol sa leptospirosis.… Continue reading Mga pamilyang apektado ng Bagyong Julian, nahatiran ng tulong ng PRC

Nasa higit 60 ahensya, makikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Cavite ngayong September 27 hanggang 28

Aabot na sa 65 ahensya nag nagpahayag na sila ay makikibahagi sa ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na gaganapin sa Cavite sa darating na September 27 hanggang 28. Ito ang inaunsyo ni BPSF national secretariat Atty. Shawn Capucion sa isinagawang pulong balitaan ngayong araw. Ayon kay Atty. Capucion, aabot sa humigit kumulang 100,000 Caviteño… Continue reading Nasa higit 60 ahensya, makikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Cavite ngayong September 27 hanggang 28

San Fabian, Pangasinan LGU, nakipagpartner sa DHSUD para sa pagpapatayo ng housing project

Plano na rin ng isang local government unit sa Pangasinan na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isang kasunduan ang pormal nang nilagdaan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng San Fabian, Pangasinan LGU para sa proyektong… Continue reading San Fabian, Pangasinan LGU, nakipagpartner sa DHSUD para sa pagpapatayo ng housing project

Tulong pinansyal, ipanagkaloob sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BIHI sa Surigao del Norte

Umaabot sa 460 partner beneficiaries ng Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project LAWA at BINHI) ang nakatanggap ng 20-day compensation na Php7,400 bawat isa. Ang Project LAWA at BINHI ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga na naglalayong labanan… Continue reading Tulong pinansyal, ipanagkaloob sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BIHI sa Surigao del Norte

Bicameral report tungkol sa panukalang school-based mental health bill, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas tungkol sa pagpapaigting ng paghahatid ng mental health services sa mga estudyante. Ayon kay Senate Basic Education Committee chairman Senador Sherwin Gatchalian, layon ng napagkasundong bersyon ng Senate Bill 2200 at House Bill 6574 na patatagin ang mental health program ng Department of Education… Continue reading Bicameral report tungkol sa panukalang school-based mental health bill, niratipikahan na ng Senado

9K Batangueños, napagkalooban ng bigas at tulong pinansyal sa paglulunsad ng SIBOL, ISIP at CARD program

Maliban sa programa at serbisyo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, dagdag benepisyo ang natanggap ng mga Batangueño mula sa target sectors sa paglulunsad ng SIBOL, CARD at ISIP program. Nasa 9,000 benepisyaryo ng naturang mga programa ang nakatanggap ng tulong pinansyal at pabigas. Abot sa 3,000 na CARD beneficiaries ang pinagkalooban ng tig-P5,000 sa pamamagitan… Continue reading 9K Batangueños, napagkalooban ng bigas at tulong pinansyal sa paglulunsad ng SIBOL, ISIP at CARD program

Higit P591-B, nakalaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan para sa susunod na taon – DBM

May kabuuang P591.8 billion na pondong inilaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan sa ilalim ng panukalang 2025 national budget. Sa briefing ng DBCC sa senado, sinabi ni budget Secretary Amenah Pangandaman na pinakamalaking alokasyon sa mga ayuda program ang napunta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na may pondong P114.2 billion. May mga… Continue reading Higit P591-B, nakalaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan para sa susunod na taon – DBM