DSWD Sec. Gatchalian, personal na nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro

Personal na binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro, at ang evacuees sa isang evacuation site. Unang binisita ni Secretary Gatchalian ang mga sugatan na naka-confine sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, para personal na maibigay ang… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, personal na nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng landslide sa Masara, Maco, Davao de Oro

Bilang ng mga namatay sa Masara landslide sa Davao de Oro, nas 35 na

Umakyat na sa 35 ang bilang ng mga namatay sa nangyaring landslide sa Brgy. Masara, Maco sa Davao de Oro. Iyan ay batay sa pinakahuling ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kung saan nasa 77 pa ang naitalang missing at nakapako sa bilang 32 ang naitalang sugatan. Ayon sa Davao… Continue reading Bilang ng mga namatay sa Masara landslide sa Davao de Oro, nas 35 na

DSWD, nanawagan ng proteksyon sa mga bata laban sa karahasan at pang-aabuso

Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang buong bansa na makiisa sa paglaban sa pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata. Ginawa ng DSWD ang panawagan bilang paggunita sa “National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation.” Tuwing ikalawang linggo ng Pebrero ng bawat taon ginugunita ito alinsunod sa… Continue reading DSWD, nanawagan ng proteksyon sa mga bata laban sa karahasan at pang-aabuso

DSWD, magpapadala pa ng mga relief goods sa Davao Region para sa mga sinalanta ng masamang panahon

Karagdagan pang ayuda ang ipapadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Davao Region para sa mga pamilyang sinalanta ng shear line at trough ng low pressure area (LPA). Ang family food packs ay inihanda ng DSWD at ng World Food Programme (WFP) para ang ihatid sa Pier 15 at Manila Port Area… Continue reading DSWD, magpapadala pa ng mga relief goods sa Davao Region para sa mga sinalanta ng masamang panahon

DSWD, magtuloy-tuloy pa sa pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-apektadong pamilya na sinalanta ng shearline sa Davao del Norte

Ipinangako pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbibigay ng financial assistance sa mga pinakaapektadong pamilya na napinsala ng shearline at trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Davao del Norte. Batay sa pinakahuling update, nakipagpulong na ang DSWD Field Office 11 kay Mayor Tess Timbol ng Munisipyo ng Kapalong ng nasabing… Continue reading DSWD, magtuloy-tuloy pa sa pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-apektadong pamilya na sinalanta ng shearline sa Davao del Norte

Davao de Oro PLGU, may sapat na pondo para sa mga apektado ng baha at landslide

Kampante ang Davao de Oro Provincial Government na may sapat ang kanilang pondo at supply ng mga relief goods para sa lahat ng mga naapektuhan ng mga baha ng landslide na hatid ng trough of the Low Pressure Area noong nakaraang linggo. Sinabi ni Davao de Oro Governor Dorothy Gonzaga, naglaan na sila ng P12M… Continue reading Davao de Oro PLGU, may sapat na pondo para sa mga apektado ng baha at landslide

DSWD Sec. Gatchalian, pinangunahan ang relief distribution sa mga sinalanta ng pagbaha sa Davao Oriental

Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bayan ng Manay, Davao Oriental. Kabilang sa nabigyan ng family food packs ang 628 pamilya mula sa dalawang barangay ng Manay. Kasama ng DSWD Secretary sa relief distribution ang local officials mula sa lalawigan. Kasabay… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, pinangunahan ang relief distribution sa mga sinalanta ng pagbaha sa Davao Oriental

DSWD, naglunsad ng 4-month cash-for-work program para sa mga PWDs sa Valenzuela City

Pasisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang cash for work program para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa Valenzuela City. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang proyekto ay sisimulan ngayong Pebrero hanggang Mayo. Sinabi ni Lopez, ang… Continue reading DSWD, naglunsad ng 4-month cash-for-work program para sa mga PWDs sa Valenzuela City

DSWD, nagpaabot pa ng cash aid sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Eastern Visayas

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng shearline sa Northern Samar noong Nobyembre 2023. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang bigay na tulong ay ginawa sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program. Mahigit Php 11… Continue reading DSWD, nagpaabot pa ng cash aid sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Eastern Visayas

Apektado ng pagbaha sa Davao Region, aabot na sa mahigit 40K na pamilya

Sa pinakahuling report ng Office of Civil Defense (OCD)- XI, aabot na sa 44,888 na pamilya ang apektado ng mga pagbaha dulot ng nararanasang pag-ulan sa Davao Region. Batay sa talaan ng OCD XI, sa naturang bilang, 1,990 na pamilya o 6,709 na indbidwal ang inilikas sa mga evacuation center. May pinakamaraming evacuees sa Davao… Continue reading Apektado ng pagbaha sa Davao Region, aabot na sa mahigit 40K na pamilya