?? ????, ????????? ??? ??? ??????????? ??????? ??????????? ?? ‘??? ???????? ??? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte ang mga kababaihang maagang nagdalantao na huwag pabayaan ang edukasyon sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok.

Sa kanyang pagbisita sa Pikit National High School sa North Cotabato, iginiit ni VP Sara na hindi dapat tumigil sa pag-aaral ang isang babaeng hindi planado ang pagbubuntis.

Mayroon aniyang ipinatutupad na Open High School o Alternative Learning System na makatutulong upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

Binigyang-diin din ni VP Sara na mahalaga ang pagkonsulta sa mga doktor at health workers para sa kapakanan ng mga nagdadalantao.

Idinagdag ng Pangalawang Pangulo na kapag hindi na pumasok sa paaralan ay malaki ang posibilidad na hindi makapaghahanap ng maayos na trabaho at hindi mapapaaral ang anak.

Ang Responsible Parenthood ay tinatalakay ni VP Sara sa advocacy campaign na “PagbaBAGo” sa bawat lugar na iniikot. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño

?: Vice President Sara Duterte FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us