Muling nilinaw ni Deputy Speaker and Las Piรฑas City Representative Camille Villar na hindi dole-out ang kanyang panukalang โฑ5,000 na ayuda sa fresh graduates na naghahanap ng trabaho.
Ginawa ni Villar ang pahayag matapos aprubahan ng House Committee on Higher and Technical Education ang proposed one-time โฑ5,000 financial assistance.
Ayon sa House Leader, magsisilbi itong investment ng gobyerno sa mga kabataan
at alinsunod ang kanyang panukalang batas sa constitution at mga batas ng social welfare.
Sa ilalim ng House Bill 6542, ang financial assistance ay maaring magamit ng mga newly grads sa paghahanap ng mapapasukang trabaho o dikaya gawin puhunan para sa isang maliit na negosyo.
Upang makapag-avail ng financial aid, kailangan na makapagprisinta ng diploma o anumang patunay ng kanilang pagtatapos.
Base sa datos ng Commission on Higher Education (CHED), umaabot sa 345,000 ang tinatayang indibidwal na nagtapos sa academic year 2020-2021 mula sa public at private higher educational institutions. | ulat ni Melany Valdoz Reyes