Pabor si Senador Jinggoy Estrada na maisabatas na ang pagbabawal sa patakarang โNo Permit, No Examโ sa mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa kawalan ng pambayad sa matrikula at iba pang bayarin ng estudyante.
Para kay Estrada, hindi kailanman dapat maging hadlang para makapagtapos sa kanilang edukasyon ang kakapusan sa pambayad sa paaralan.
Pinaliwanag ng senador na ngayong bumabangon pa lang tayo sa hagupit ng COVID-19 pandemic, malaking bilang pa rin ng mga pamilya ang hirap sa buhay.
Kaya naman sa pagkakataong ganito, iginiit ng mambabatas na kailangang suportahan ang mga mag-aaral at hindi ang panggigipit at diskriminasyon.
Dagdag pa nito, ang tunay na inclusive education ay sumasaklaw sa lahat ng mga mag-aaral, may kakayahan man o kapos sa pananalapi.
Sa pagsasabatas ng panukalang ito, ipinunto ni Estrada na hindi kakailanganin na gumastos ng gobyerno, bagkus ay kailangan lang silang bigyan ng pagkakataon na makapag-exam kahit hindi pa sila bayad o kulang pa ang kanilang bayad sa kanilang paaralan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion