Ginamit ng Philippine Army Aviation Regiment ang kanilang Bolkow helicopter air ambulance sa unang pagkakataon para ihatid ang isang sugatang sundalo mula sa Legaspi, Albay patungo sa Camp Aguinaldo kahapon.
Mula sa Camp Aguinaldo ay dinala naman ang biktima na si Corporal Roger Villares sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Medical Center para ipagamot.
Si Villares ay kabilang sa mga sundalo ng 49th Infantry Battalion (49IB), 9th Infantry Division na sugatan sa pagpapasabog ng NPA ng landmine sa Oas, Albay noong February 15, na ikinasawi ng kanilang squad leader.
Ang pamilya ni Villarez ay inihatid din sa Camp Aguinaldo sa pamamagitan ng pangalawang Bolkow helicopter.
Sinabi ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. na dine-develop ng Philippine Army ang kanilang kapabilidad sa casualty evacuation sa pamamagitan ng air ambulance bilang pagsuporta sa ground missions, dahil mahalaga ang buhay ng bawat sundalo. | ulat ni Leo Sarne
?: Pfc Rodgen Quirante PA/ and Aviation Regiment