?????????????? ?? ??? ???????????????, ???? ???????? ?? ?????????? ??????? ?? ?????????? ????? ?????????? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng mga senador pag-amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act (RA 11235).

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Juctice, naging sentro ng talakayan ang diskriminasyong dulot ng naturang batas para sa mga nagmomotorsiklo.

Unang pinunto ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang sobrang taas ng multa sa ilalim ng naturang batas na umaabot ng hanggang β‚±100,000.

Pinunto rin ang dagdag na plaka dahil sa ilalim ng batas ay minamandato ang paglalagay ng plaka sa harap rin ng motorsiklo at mas malakin rin ang plakang nakamandato sa naturang batas.

Pinunto ni Revilla na delikado ito at malapit sa aksidente.

Dinagdag rin ng senador na mas maigting na Police visibility ang kailangan para masawata ang mga krimen at hindi ang ganitong sobrang paghihigpit sa mga motorsiklo lang.

Binigyang diin naman ni Senador Raffy Tulfo ang mga checkpoint na ginagawa ng PNP na target lang lagi ay ang mga motorsiklo.

Tanong ng senador, bakit laging sa mga motorisiklo lang ito ginagawa at madalang na madalang para sa mga 4-wheel vehicles.

Pinaliwanag naman ng may akda ng panukala na si Senador JV Ejercito na sa isinusulong niya ay imbes na doble at malalaking plaka ay magkaroon na lang ng RFID sticker ang mga motorsiklo.

Ibababa rin sa hanggang lima hanggang sampung libong piso ang multa sa mga paglabag sa mga probisyon ng ipinapanukalang batas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us