Aminado ang Department of Health (DOH) na mayroon silang โreservationsโ sa panukalang alisin sa listahan ng dangerous drugs ang cannabis o marijuana.
Sa pagtalakay ng House Committee on Dangerous Drugs, sa House Bill 6783 ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi ni Dr. Jose Bienvenido Leabres, na kinatawan ng DOH, na ang pag-alis ng cannabis sa listahan ay magreresulta sa availability o pagkalat nito.
Paalala ni Leabres sa mga mambabatas na maaaring ilagay nito sa panganib ang publiko dahil sa โpsychological at psychiatric effectsโ ng paggamit ng cannabis o marijuana tulad ng posibleng psychosis, anxiety, at depression.
Maaari din aniya itong magdulot ng pagtaas sa bilang ng aksidente dahil sa โpoor coordination at poor concentrationโ lalo na kung โhighโ sa marijuana ang indibidwal.
โThe Department of Health has reservations on delisting Cannabis with substance use. As you very well know cannabis use disorders is identified as one of the disorders due to substance use. It can cause both short-term and long-term effects among individuals and we believe that decriminalizing it would increase the availability and would put at risk, some of our populations,โ ani Leabres.
Pero nilinaw naman ni Alvarez na hindi kasama sa kanyang panukala ang pagsusulong ng recreational use ng marijuana.
Sakali naman aniyang maaprubahan ang panukala para naman sa paggamit ng medical marijuana ay magsisilbing suporta lamang ang kanyang House bill.
Ayon naman kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chair ng komite, mahalagang hakbang ang delisting ng cannabis sa dangerous drugs lalo na kung nagsasagawa ng mga pag-aaral sa medicinal value nito.
Aniya, kung sakali mang mapatunayan na maaari ngang gamiting panggamot ang cannabis at nasa listahan pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot ay mananatili itong iligal.
โBefore experts would talk about the medicinal value, ang pinakauna is to delete it muna e. Kasi how can they go on with their study and come up with the conclusion that it has medicinal value i we did not released it yet. Even, assuming, for the sake of argument na may medicinal value siya and yet itโs still enumerated in the list of dangerous drugs, it will still become illegal,โ paliwanag ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes