β€œ??????,” ????????? ?? ?????????? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad na ng Valenzuela City government ang pinakabagong messaging system nito na magpapadali sa paghahatid impormasyon ukol sa mga serbisyo ng LGU sa mamamayan.

Tinawag itong DotBot, na isang isang AI messaging chatbot para sa City Social Welfare and Development Office.

Katuwang ng LGU sa naturang innovative project ang New Zealand government sa ilalim ng GovTech Acceleration Programme kung saan mayroon nang centralized database para sa lahat ng impormasyon na kakailanganin ng mamamayan partikular na sa social service assistance.

Sa tulong ng DotBot na available sa fb messenger, maaari nang agad na malaman ng mga residente ang ibat ibang impormasyon at requirements para sa bawat social welfare services na alok ng CSWD kabilang ang Medical Assistance, Burial Assistance, Transportation Assistance, Social Case Study, at CSWD Certificate of Indigency.

Ayon kay  Mayor Wes Gatchalian, masosolusyunan na nito ang problema sa mahabang pila sa tanggapan ng CSWD.

Bukod dito, isang hakbang rin aniya ito para maitaguyod ang digitalisasyon sa lokal na pamahalaan.

β€œInaanyayahan ko po kayong gamitin ang makabagong teknolohiya para mas maging epektibo at mabilis pa ang serbisyo ng pamahaalaang lokal,” paanyaya ng alkalde.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: Valenzuela LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us