Patuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao na naapektuhan ng low pressure area (LPA).
Sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), as of February 22 ay aabot na sa โฑ8.1-milyong halaga ng
food and non-food items ang nai-augment ng ahensya sa Regions VI, IX, XI, XII, at Caraga.
Nagpapatuloy rin aniya ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga apektadong LGU upang masiguro na sapat ang relief items na ipapamahagi sa mga apektadong residente.
Samantala, malaking bilang naman na ng mga inilikas ang nagsiuwian na sa kani-kanilang tahanan matapos na bumuti ang lagay ng panahon.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa 805 na pamilya o 3,190 indibidwal namang ang nananatili sa evacuation centers sa apat na rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa