Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), hindi umaayon sa Philippine National Standard (PNS) ang mga nasabing produkto.
Bawal ibenta o ipamahagi ang lokal o imported na produkto kung walang sertipikasyon mula sa Philippine Standard (PS) Quality o Safety Certification Mark Licensing Scheme at ang ICC Certification Scheme.
Pinaalalahanan ng DTI, ang mga business establishment at consumers sa kahalagahan ng pagtiyak na ang mga produkto na kanilang ibinibenta at binibili ay standards conformant at government certified upang maiwasan ang mga posibleng panganib sa kalusugan at buhay ng tao. | ulat ni Don King Zarate