Hindi pa natatanggap ng Kamara ang Certificate of Proclamation mula Commission on Elections (COMELEC) na nagdedeklara kay Brian Yamsuan bilang bagong kinatawan ng Bicol Saro Party-list.
Ayon kay Majority Leader Manuel Jose βMannixβ Dalipe hinihintay pa nila ang official transmittal ng mga dokumento mula COMELEC.
Sa isang press statement na inilabas ng poll body, kinumpirma ang pagkakatalaga kay Yamsuan bilang bagong nominee number-one ng Bicol Saro Party-list matapos maalis sa partido ang dati nitong kinatawan na si Nicolas Enciso VIII.
February 15 nang ipadala ng House Secretary General Reginald Velasco sa COMELEC ang Notice of Vacancy of Seat dahil dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes