Isinapinal na ng House Committee on Constitutional Amendments ang magiging komposisyon ng βhybridβ Constitutional Convention (Con-Con) upang amyendahan ang 1987 Constitution.
Dahil sa gagawin itong hybrid, ibig sabihin, elected at appointed na ang mga delegado.
Para sa elected delegates, boboto ng isang kinatawan mula sa existing legislative districts na isasagawa sa October 30, 2023 o kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ang appointed delegates naman, na bubuoin ang 20 percent ng delegado, ay itatalaga ng Senate President at House Speaker.
Kabibilangan ito ng retired members ng judiciary, akademya, legal profession, ekonomista, business sector, labor sector, mga magsasaka at mangingisda, indigenous cultural communities, kababaihan, kabataan, mga beterano, senior citizen at persons with disabilities, medical professionals at science and technology professionals.
Kailangan naman na ang sectoral delegates na ito at magmumula sa mga sektor na tinukoy salig sa RA 8425 o Social Reform Poverty Alleviation Act.
Bilang kwalipikasyon, kailangan na ang delegado ay natural born citizenship, 25 years old sa araw ng eleksyon o appointment, may college degree, at dapat ay hindi nahatulan ng kasong moral turpitude. | ulat ni Kathleen Jean Forbes