???? ????, ????????? ?-???? ?? ???????? ???? ?? ???????????????? ?? ???? ?? 24-???? ???? ????? ?? ???????? ?? ???????? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng dalawang pagkakataon na ibinigay ng House Committee on Agriculture and Food kay Leah Cruz, ang tinatawag na “Sibuyas Queen,” ay bigo itong ipagbigay alam sa komite ang kanyang lokasyon at dahilan ng pagliban sa pagdalo sa imbestigasyon.

Dalawang oras ang ibinigay ni Cavite Representative Elpidio Barzaga sa legal counsel ni Cruz na si Atty. Kenneth Brian Tegio upang matukoy kung saang probinsya nagtungo si Cruz na sinasabing bibisita sa ilang magsasaka.

Ngunit hindi umano tumugon si Cruz sa kanyang mensahe.

Dahil dito, inatasan ni Barzaga si Tegio na magsumite ng paliwanag sa komite sa loob ng 24-oras kung saan naroroon si Cruz sa kasagsagan ng pagdinig.

Pinagsusumite rin ng mambabatas si Cruz ng paliwanag kung bakit hindi ito dapat i-contempt ng Komite. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us