Nasa 244 na mga mambabatas ang pumabor para pagtibayin ang House Bill 7185.
Ang panukala ay magkakaloob ng Filipino citizenship sa Canadian vlogger na si Kyle Jennermann.
Kilala rin si Jennerman sa kanyang social media handle na “BecomingFilipino” na nabuo noon pang 2014.
Si Jennermann, ay matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
Maliban sa pag-vlog ng kultura ng Pilipinas, aktibo rin ito sa iba’t ibang relief at outreach operations ng government agencies gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad. | ulat ni Kathleen Jean Forbes