Itinutulak ni Deputy Speaker Ralph Recto ang pagkakaloob ng 3-araw na โpaid leave” para sa mga empleyadong magulang upang makadalo sa โschool-related activitiesโ ng kani-kanilang mga anak.
Sa ilalim ng House Bill 6966 o โSchool Visitation Rights Actโ bibigyan ng pribilehiyo ang mga magulang na makibahagi sa educational o behavioral conferences ng mga bata.
Sakop nito ang mga empleyado na nasa serbisyo na hindi bababa sa 6 na buwan, at kung ang anak o bata ay pumapasok sa public o private pre-school, elementary at secondary schools.
Ang bata naman ay pwedeng biological, adopted o foster child, stepchild o legal ward.
Oobligahin ang mga empleyadong magulang o guardian na magsumite ng โdocumentationโ o katibayan ng pagpunta sa eskwelahan ng anak o bata.
Kapag nabigong sumunod, maaaring isailalim sa kaukulang โdisciplinary procedures. | ulat ni Kathleen Jean Forbes