Umabot na sa 44,000 na mga lisensya at permit ang naproseso at na-release ng Land Transportation Office (LTO) sa PITX ParaΓ±aque City.
Ang nasabing opisina ay binuksan noong nakaraang taon sa terminal ng bus para ilapit ang serbisyo ng LTO sa publiko at hindi na sumadya pa sa tanggapan ng ahensya.
Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III, hindi bababa sa 150 kliyente ang naipoproseso nila kada araw.
Ibinida din ni Verzosa na kahit Sabado ay bukas ang LTO sa PITX at aktibo ang kanilang kampanya kontra fixer.
Bukod sa pagproseso ng iba’t ibang dokumento sa LTO meron din silang alok na kurso sa pagmamaneho at libreng seminar sa mga driver sa PITX. | ulat ni Don King Zarate