Imbes na buwagin ang party-list system ay mas mainam na amyendahan ang batas na bumuo nito.
Ito ang posisyon ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro kasunod ng pahayag ni Senador Ronald Dela Rosa na buwagin ang party-list system dahil sa naaabuso lamang ito.
Ayon kay Castro, dapat tiyakin na sa pag-amyenda ng Republic Act 7941 o Party-list System Act ay tunay na kinatawan ng marginalized sectors ang ihahalal.
Nagagamit na kasi aniya ang party-list system ng mga political dynasty, multi-billionaires, at iba pa na nagsisilbing dummy para makapasok sa Kongreso.
Dagdag ng lady solon na sa paraang ito ay maibabalik ang tunay na layunin ng batas.
“The party-list system should not be abolished but the law should be amended to ensure that it is genuine party-list groups from the truly marginalized and under-represented are the ones who get registered and elected. Dapat na ibalik sa tunay na layunin at espiritu ng batas ang pagpapatupad nito at kaya itong gawin na di dumadaan sa Charter change,โ saad ni Castro. | ulat ni Kathleen Jean Forbes