Naglabas ngayon ng ilang paalala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (DOST-PHIVOLCS) sa mga awtoridad na mangunguna sa search and rescue operations sa bumagsak na cessna plane malapit sa Bulkang Mayon.
Sa isang pahayag, sinabi ng PHIVOLCS na nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ang bulkan kaya nananatiling delikado ito lalo na sa loob ng
6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).
Kinikilala naman aniya ng ahensya ang urgency ng sitwasyon para sa search and rescue (SAR) mission kaya ipinauubaya na ito sa LGU.
Mungkahi lamang nito na tanging mga professionally trained personnel ang i-deploy sa operasyon na handa sa anumang banta gaya ng biglaang pag-alburoto, pagsabog, at rockfall.
βThese hazards are higher on the more susceptible gullies on the slopes; the Cessna lies on a gully,β pahayag ng PHIVOLCS.
Dapat rin aniyang isaalang-alang ang presensya ng lava sa bulkan na posibleng makaapekto sa rescue team.
βThe upper slopes of Mayon are also either very slippery due to bare smooth lava or unstable due to fragmented lava and near-event deposits that may be dislodged when stepped on. The SAR techniques to use should consider these hazards. Other than this, our Institute cannot comment on the appropriate SAR techniques to be used; this is beyond our competency,β dagdag pa ng PHIVOLCS.
Bukod dito, inirekomenda rin ng PHIVOLCS ang pagkakaroon ng standby contingencies at aktibong koordinasyon sa LGU sumasakop sa danger zone, at sa DOST-PAGASA para sa weather updates.
Tiniyak naman ng ahensya na tutukan nito ang operasyon at magbibigay ng mga update sa lagay ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa