?????? ?? ??????? ?? ?????? ????? ?? ????? ????? ?? ??, ?????? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumaba pa ang presyo ng panindang pulang sibuyas sa Kadiwa Store sa Sofia Bellevue Condominium, Capitol Hills, Quezon City.

Mula sa โ‚ฑ130 per kilo noong nakaraang linggo, mabibili nalang ito sa โ‚ฑ110 kada kilo ngayon at kung maramihan ay maaari pang tumawad hanggang โ‚ฑ100 ang kada kilo.

Ayon kay Aling Lisa, mula sa El Sanchez Farm, hango sa Nueva Ecija ang mga sibuyas na pinatuyo na kaya hindi agad masisira.

Bukod sa pulang sibuyas, makabibili rin ng puting sibuyas sa halagang โ‚ฑ80 kada kilo.

Narito pa ang presyo ng ilang paninda sa naturang Kadiwa store:

Ampalaya – โ‚ฑ100
Talong – โ‚ฑ70
Kalabasa – โ‚ฑ40
Sitaw – โ‚ฑ80
Okra – โ‚ฑ90
Pechay Tagalog – โ‚ฑ60
Broccoli BIG – โ‚ฑ100/pc
Pipino – โ‚ฑ70
Sibuyas white – โ‚ฑ80
Sibuyas red – โ‚ฑ110
Kamatis – โ‚ฑ20
Luya – โ‚ฑ50
Cauliflower – โ‚ฑ100
Carrots – โ‚ฑ60
Lettuce – โ‚ฑ150
Beans – โ‚ฑ80
Sitsaro – 250
Kangkong – โ‚ฑ15
Leeks – โ‚ฑ100
Celery – โ‚ฑ100
Talbos – โ‚ฑ10
Sayote – โ‚ฑ30

Regular na nagbubukas tuwing Huwebes ang naturang Kadiwa store sa lugar kaya naman madalas na inaabangan na ito ng mga residente ng naturang condo.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us