Plano ng National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSPI) na isumbong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Public Utility Vehicle (PUV) na sasali sa planong transport strike ng grupong Manibela sa susunod na linggo.
Ayon kay NCCSP President Elvira Medina, malaking perwisyo ang isang linggong tigil pasada sa mga commuter na kailangang pumasok sa trabaho, sa eskwela, o kaya ay magtungo sa ospital.
Sa tantya nga nito ay posibleng pumalo ng apat na milyong pasahero ang maapektuhan sa Metro Manila kada araw kung matutuloy ang transport strike.
Giit nito, hindi dapat na gawing βhostageβ ang mga pasahero at hindi dapat pagkaitan ng karapatan na magkaroon ng access sa pampublikong transportasyon.
Kasunod nito, hinikayat ni Medina ang publiko na kunan ng litrato o video ang unit at plaka ng mga PUV na lalahok sa strike nang maisumbong ito sa LTFRB.
Malinaw na paglabag daw kasi ito sa kanilang prankisa na iginawad ng LTFRB. | ulat ni Merry Ann Bastasa