Bababa ng hanggang 0.26% ang real GDP ng bansa o katumbas ng β±50-billion kung hindi niratipikahan ng Pilipinas ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.
Ito ang tugon ni Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Allan Gepty nang matanong ni Marikina Representative Stella Quimbo sa pulong ng House Committee on Trade and Industry kung ano ba ang mawawala sa Pilipinas sakaling hindi ratipikahan ang tratado.
Dagdag pa ni Gepty, hindi rin makakamit ng Pilipinas ang 2% increase sa ating real GDP kung hindi sasali sa RCEP.
Punto ni Quimbo naitanong niya ito dahil mahalaga ring maipabatid sa publiko kung ano ang mawawala sa bansa sakaling hindi sumali sa isa sa pinakamalaking trade agreement sa mundo.
Hiniling naman nito na tumbasan ng pamahalaan ang dapat sanaβy β±50-billion loss kung hindi sumali sa RCEP at ilaan ito bilang safety net fund para palakasin ang mga industriya gaya ng MSMEs at tiyakin na sila ay competitive oras na buksan ang merkado.
β.26 [percent] means, thatβs about β±50-billion. So if we donβt join, we will lose that. Siguro if we join and therefore defray that cost of β±50-billion, dapat yung β±50-billion ay ating willingness, to give to our MSMEs as a way to protect them from whatever ill-effects they would have, at least in the short-run when markets are opened up,β saad ni Quimbo.
Nitong Martes nang pormal na ratipikahan ng Senado ang RCEP. | ulat ni Kathleen Jean Forbes