?????? ??????? ????????? ????????? ?? ????, ????? ??

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangalanan na ng Senado ang mga magiging miyembro ng oversight panel na magmo-monitor sa pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) matapos aprubahan ang pagsali dito ng bansa.

Pangungunahan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang Special Oversight Committee on RCEP habang magsisilbing miyembro naman sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Minority Leader Koko Pimentel, Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Imee Marcos, Committee on Agriculture Chairperson Cynthia Villar, Economic Affairs Committee Chairperson Grace Poe, Committee on Trade Chairman Mark Villar, Committee on Finance Chairman Sonny Angara, Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian, Committee on Labor Chairman Jinggoy Estrada, at Committee on Science and Technology Chairman Alan Peter Cayetano.

Una nang sinabi ni Legarda na ang special oversight committee ang titiyak na magiging maayos ang pagpapatupad ng RCEP para na rin mapawi ang pangamba dito ng iba’t ibang sektor gaya ng micro, small and medium enterprises (MSMEs), science and technology, trade, agriculture sector at iba pa.

May mga resolutory clauses rin aniyang isinama sa concurring resolution sa RCEP kung saan may mga panuntunan para sa pagpapatipad ng mga hakbang para mapasigla ang iba’t ibang sektor. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us