Sinimulan na ngayong araw ang Shark Conservation Week na tatagal hanggang sa March 4.
Nagsagawa ng Fluvial Parade sa Manila Bay na pinangunahan ng Save Shark Network Philippines at Philippine Dragon Boat Team.
Ito ay para itaas ang kamalayan ng publiko sa tamang pagtrato sa pating at pagi.
Ayon kay Anna Oposa Executive Director at mermaid chief ng Save Philippine Seas, panahon na para bumuo ng batas na poprotekta sa mga pating at pagi.
Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10654 Philippine Fisheries Code hindi lahat ng uri ng pating ay protektado.
Dahil dito nanawagan ang Save Shark Network Philippines sa gobyerno na ipasa ang Shark Conservation Bill.
Sinabi pa ni Oposa na ngayong bumabalik na sa pre-pandemic level ay patuloy na nahaharap sa mga banta ang karagatan.
Nabatid na bukod sa pagkain ginawa ding sangkap sa beauty products, jewelry, furniture, at accessories ang mga pating.
Samantala, suportado naman ni Atty. Demosthenes Escoto, national direktor ng DA-BFAR, ang layunin ng grupo na protektahan ang karagatan at mga pating. | ulat ni Don King Zarate