??????????? ???????? ?? ????-??????????? ???????? ???? 30, ???????????? ?? — ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi agad mawawala sa mga kalsada ang traditional jeepneys pagsapit ng Hulyo.

Sa gitna ito ng pangamba ng ilang mga tsuper at pasahero kasunod ng nakaambang pagpaso ng prangkisa ng mga lumang jeep sa June 30.

Sa isang virtual presser, sinabi ni Joel Bolano, hepe ng LTFRB Technical Division na papayagan pa rin namang mamasada ang traditional jeep basta sila ay  nakapag-consolidate na o sumali sa transport cooperative na siyang unang hakbang ng PUV Modernization Program.

Kapag nakasunod rito, ay papayagan pa rin naman aniya ang mga lumang jeep hanggang Disyembre habang inaasikaso ang pagpapalit sa modern jeep.

Dahil dito, naniniwala ang LTFRB na walang magiging transportation crisis na taliwas sa iginigiit ng ilang transport groups.

Pinaplano na rin aniya ng LTFRB ang ipatutupad na contingency measures sakali mang may mga maapektuhang pasahero.

Sa ngayon, nasa 61% na ng target na 158,999 units ang nakapag-consolidate sa PUJ habang mayroon na ring 5,300 na bumibyaheng modern jeep sa bansa.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us