????????? ????? ?? ??????, ??????? ??????? ?? ??????????? ????? ???????? ????????? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Transport group na PISTON na suportahan ang pinaplanong isang linggong transport strike ng MANIBELA at iba pang grupo laban sa jeepney phaseout

Sa isang pahayag, sinabi ni PISTON National President Mody Floranda na pinakikita lamang ng hakbang na handang tumindig ang iba’t ibang samahan para pigilan ang franchise consolidation at Public Utility Vehicles (PUV) phaseout.

Kasunod nito, muling iginiit ni Floranda ang pagtutol sa pagmamandato sa mga operator na mag-consolidate ng prangkisa dahil sa napakamahal aniya na halaga ng modernization.

Imbes na jeepney phaseout, iminungkahi ng PISTON na mas praktikal kung rehabilitasyon at overhauling na lang ng traditional jeepneys ang itutulak na mas abot kaya pa sa small-time operators.

Nauna nang umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa transport groups na makipagdayalogo muna bago ituloy ang planong isang linggong tigil-pasada. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us