Umaasa ang National Economic Development Authority (NEDA) na makakabawi ang bansa mula sa mataas na inflation rate na nitong nakalipas na buwan ay pumalo sa 8.7%.
Sinabi ni NEDA Director General Arsenio Balisacan na umaasa silang magkakaruon na ng plateau kundi man ngayong buwan ay maaaring sa susunod na buwan.
Ang pag-asang makakabawi sa inflation ang bansa ani Balisacan ay bunsod na rin ng tinatanaw na magandang anihan mula Enero hanggang Marso para sa ating mga magsasaka.
Dahil dito sabi ng NEDA Chief ay umaasa silang magiging maganda ang lalabas na datos sa hinaharap partikular na sa kalagitnaan ng 2023.
Ang 8.7% January 2023 inflation rate ay mas mataas sa 8.1% na naitala noong December 2022. | ulat ni Alvin Baltazar