Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang gobyerno ng Australia matapos magbigay ng trainings sa transportasyon para sa mga mag-aaral ng Davao City.
Sa courtesy call ni Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kay VP Sara, tinalakay ang kahalagahan ng edukasyon sa pagsusulong ng kaunlaran.
Ibinahagi ni VP Sara na sinusubok siya ng mga suliranin sa basic education lalo na sa budget.
Napag-usapan din ang isyu sa seguridad na nagtataguyod ng national development kung saan ikinuwento ng pangalawang pangulo na malaki ang interes niya rito dahil sa pagiging prayoridad sa Mindanao.
Sa kasagsagan ng ikalawang termino bilang alkalde ay naitatag aniya ang Peace 911, isang anti-terrorism plan na naging susi sa pagsugpo sa communist rebel group sa Paquibato District.
Paliwanag pa ng Bise-Presidente, base sa karanasan ay mas madaling makamit ang kapayapaan ngunit mahirap panatilihin. | ulat ni Hajji Hajji Pantua Kaamiรฑo
?: Vice President Sara Duterte FB page