??% ?? ??? ????????, ???????????? ????? ??? ???? ?? ???? ?????? ????? โ€” ??? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Anim sa bawat sampung Pilipino na tinanong ang nagsabing buhay pa rin ang Diwa ng Edsa People Power.

Ito ang resulta ng Survey ng Social Weather Station (SWS), ilang araw bago ang ika-37 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution.

Sa tanong sa mga respondent kung buhay pa ba ang Diwa ng People Power, 62 percent ang nagsabing naniniwala sila na nananatiling buhay ang demokrasya ng Edsa People Power habang 37% ang nagsabing nawala na ang DIWA nito.

Samantala, 57% ng mga Pinoy ang nagsabing mahalaga pa rin ang paggunita sa Edsa People Power habang 42% ang nagsabing hindi na ito mahalaga.

Nasa 5% lamang ng mga tinanong ang nagsabing natupad ang mga ipinangako ng Edsa People Power, 19% ang nagsabing bahagyang natupad at 28% ang nagsabing walang natupad. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us