Nailigtas ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao at Joint Task Force Tawi-Tawi ang lahat ng sakay isang lantsang rehistrado sa PILIPINAS, na nasiraan sa karagatan ng Sabah, Malaysia.
Ayon kay Brigadier General Romeo Racadio, Commander ng Joint Task Force Tawi-Tawi, dinispatsa ng Naval Task Group Tawi-Tawi ang BRP Florencio IΓ±igo (PC393) matapos matanggap ang distress call ng M/L Rihanna, na nagkaroon ng problema sa makina habang bumibiyahe patungong Taganak Island noong Biyernes.
Sa isinagawang search and rescue operation, nakipag-coordinate ang Philippine Navy sa Malaysian Navy na siyang humila sa M/L Rihanna mula sa karagatan ng Tagupi Island, Sabah patungong Tanjung Labian, Malaysia habang hinihintay ang barko ng Philippine Navy.
Nang makarating sa lugar, isinakay ng BRP Florencio IΓ±igo ang anim na crew at 15 pasahero ng M/L Rihanna at hinila ang sirang lantsa patungong Lamion Wharf, Bongao, Tawi-Tawi.
Nasa maayos na kalagayan ang mga naligtas, pagdating sa Tawi-Tawi nitong Linggo.
Binati ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lieutenant General Roy Galido ang Naval Forces Western Mindanao and Joint Task Force Tawi-Tawi sa kanilang mabilis na pagresponde sa sitwasyon. | ulat ni Leo Sarne
?: Westmincom
