Makatatanggap ng β±10,000 na per diem ang kada delegado ng Constitutional Convention o Con-Con.
Ito ay batay na rin sa inaprubahang panukala na siyang maglalatag ng panuntunan sa pagpapatupad ng hybrid Con-Con.
Sa ilalim ng panukala, isang delegado mula sa 253 Congressional District ang ihahalal habang mayroong 51 na itatalaga mula sa ibaβt ibang sektor o kabuuang 304 delegates.
ββ¦. Every delegate shall be entitled to a per diem of β±10,000 for every day of actual attendance in the Convention or in any of its committeesβ¦. Every delegate shall be entitled to necessary traveling expenses to and from his place of residence when attending the sessions of the Convention or any of its committees,β saad ng panukala.
Bago naman ito, inalmahan ng ilang mambabatas ang anilaβy napakalaking halaga ng per diem.
Ayon kay Leyte Representative Richard Gomez hindi na dapat magkaroon ng hiwalay pang travel at lodging expenses mula sa β±10,000 per diem.
Ngunit paliwanag naman ni ABANG LINGKOD Party-list Representative Joseph Stephen Paduano, para sa mga delagado na magmumula sa malayong probinsya, ang β±10,000 per diem ay sasapat lamang sa kanilang plane ticket.
Ang termino ng mga delegado ay tatagal mula November 21, 2023 hanggang June 30, 2024 o kabuuang pitong buwan at 13 araw. | ulat ni Kathleen Jean Forbes