Nag-abiso ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na bawal pa ring kainin ang shellfish na makukuha sa walong baybayin sa bansa.
Ito matapos matuklasan na positibo pa rin sa red tide toxin ang mga karagatan ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Sa kabila nito, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o mahahango sa nasabing karagatan, basta malilinis at maluluto itong mabuti.
Samantala, kinumpirma naman ng BFAR na ligtas na sa red tide sa Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte. | ulat ni Merry Ann Bastasa