Suportado ni Marikina Representative Stella Quimbo ang pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipino bilang tugon sa epekto ng inflation.
Sa pulong ng Kamara at economic managers, sinabi ni Quimbo na mayroong pa ring โsilver liningโ ang mataas na presyo ng bilihin.
Kung ibabatay aniya sa naitalang inflation noong Enero, dapat ay nakalikom ang pamahalaan ng dagdag na โฑ11.9-billion mula sa Value Added Tax (VAT).
Ang halagang ito ay maaaring pagkunan ng pandagdag pondo para sa ayuda program.
โThe BESF indicates that a one percentage point increase in inflation yields an additional โฑ30.4-billion pesos in revenues per year or about โฑ2.53-billion pesos per month. Applying this parameter, dahil nagtaas ng halos five percentage points ang inflation from the original four percent target, dapat nakalikom ang pamahalaan ng additional โฑ11.9-billion pesos mula sa VAT at iba pa sa buwan lamang ng January. This is the first point that we seek clarification on from the DBCC. Certainly, additional revenues brought about by inflation must be used to help ease the burden borne by our kababayans,โ paliwanag ng economist-solon.
Babala ni Quimbo, posibleng madagdagan ng 2.58 million ang bilang ng mahihirap na Pinoy sa buong taon kung magtutuloy-tuloy ang mataas na food inflation rate.
Nitong Enero ay pumalo ang food inflation rate sa 11.2%.
Kaya mahalagang malaman kung ano ang mga dapat baguhin o idagdag sa mga โpoverty reduction programsโ ng gobyerno.
Una nang sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na mamamahagi ang pamahalaan ng โฑ1,000 na ayuda sa may 9.3 milyong โpoorest of the poorโ para ibsan ang epekto ng inflation. | ulat ni Kathleen Jean Forbes