???????? ??????????, ????? ??? ???????? ?? ????????? — ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas, February 22, inaasahan ang pagdating ng European Parliament at tatagal sa ating bansa hanggang February 24.

Ang Pilipinas at European Parliament ay regular na nag-uugnayan mula sa iisang interest kabilang ang democracy, freedom, rule of law, kapayapaan, katatagan, at karapatang-pantao.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kabilang sa pupuntahan ng delegasyon ang kanilang counterpart sa Senado at Kamara.

Magko-courtesy call din sila kay Justice Sectrary Crispin Remulla at Trade Industry Alfredo Pascual, at makikibahagi sa dayalogo sa ibang ahensya.

Sinabi ng DFA na ang relasyon ng Pilipinas sa European Union at mga miyembro nito ay patuloy na lumalawak sa larangan ng politika, ekonomiya at seguridad. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us