Inaasahang magkakaroon ng fare adjustments ang mga pamasahe sa mga airline companies pati na rin ang cargo planes susunod na buwan dahil sa pagtaas ng fuel surcharge na idinadagdag ng mga airline companies sa pamasahe.
Ayon sa advisory na inilabas ng Civil Aeronautics Board (CAB) mula Level 6 ay itataas na ito sa Level 7 sa susunod na buwan.
Sa makatuwid ang fuel surcharge para sa domestic airline companies sa bansa ay maglalaro na sa โฑ221 hangang โฑ739 at dedepende ito sa magiging destinasyon ng inyong biyahe.
Habang sa international flights naman ay maglalaro sa โฑ722.71 hangang โฑ5,373.69 depende muli sa magiging destinasyon bansa.
Kaugnay nito, ang mga airline companies na nais mag-apply ng bagong adjustments sa fuel surcharge ay kinakailangan mag-apply sa CAB bago ang nasabing petsa ng implementasyon. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio