????? β‚±9,000 ????? ???? ?????? ?? ??????’? ???????, ????????????????? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng resolusyon si Pampanga Representative Anna York Bondoc na nananawagan para siyasatin ang napakamahal na bayad sa pagkuha ng driver’s license na umaabot ng β‚±9,500 o higit pa.

Sa ilalim ng House Resolution 751, hinihikayat ang House Committee on Transportation na silipin ang isyu.

Diin ni Bondoc, dagdag-pasanin ang naturang halaga para sa may 50 milyong Pilipino na pawang edad 25 na kukuha ng lisensya para magmaneho sa unang pagkakataon.

Hindi naman tinukoy sa resolusyon ang breakdown ng naturang bayarin.

Ngunit ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang bayad sa pagkuha ng student permit ay nagkakahalaga ng β‚±250, habang β‚±685 naman ang bayad sa lisensya.

Pero hindi pa dito kasali ang bayad sa medical at theoretical at practical driving courses na maaaring kunin sa pribadong kompanya.

Bagamat may iniaalok na libreng driving course ang LTO ay limitado naman ang slot para dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us