????? ??? ???????, ???? ??? ??????? ?? ??????????? ????? ???????? ????????? ?????? ?? ‘????????’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitimbang pa ng ilan sa mga Public Utility Vehicle (PUV) driver sa Quezon City ang kanilang magiging hakbang sa ikinakasang isang linggong transport strike ng grupong MANIBELA.

Ayon kay Jun, UV Express driver na biyaheng Kalaw-Buendia, wala pang abiso sa ngayon ang kanilang koalisyon kung sasali o hindi sa tigil-pasada.

Susundin aniya nito kung anuman ang magiging pinal na desisyon ng kanilang grupo.

Sa kabila nito, nakikiisa naman ito sa damdamin ng mga kapwa PUV driver na tutol sa pag-phase out ng lumang jeepney at UV Express.

Nakaabang rin sa magiging abiso ng kanilang presidente, si Mang Gemeniano, jeepney driver na biyaheng Quiapo, na bagamat aminado itong magiging mahirap kung matagal na hindi bibiyahe dahil magugutom naman ang pamilya.

Si Mang Ullyses, sinabing bagamat hindi rin pabor sa modernization program ay hindi naman aniya kakayanin ang isang linggong tigil-pasada.

Aniya, kailangan niyang bumiyahe para may ipambili ng gamot sa sakit na diabetes.

Nauna nang humingi ng pang-unawa ang MANIBELA sa mga pasaherong maaapektuhan ng kanilang planong tigil pasada mula March 6-12. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us