???????? ??. ??????? ????????, ???????? ?? ??????? ????????? ?? ?????????? ?? ?? ??? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan na palakasin ang crackdown laban sa illegal o loose firearms bilang bahagi ng pagsawata sa krimen.

Sa naging pulong ng House leader kasama ang Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi nito na mahalagang mapalakas ang pagtugis sa mga iligal na armas at police visibility upang mahinto na ang mga krimen.

Ipinatawag ni Romualdez ang pulong dahil na rin sa magkakasunod na serye ng pananambang lalo na sa ilang politiko.

Dapat din aniya na magkaroon ng mas maayos na intelligence-gathering capability at training ng Kapulisan.

Pinatitiyak din nito na ipatutupad ng tama at maghihigpit sa pagbibigay ng lisensya sa pagmamay-ari ng baril.

Hiling nito na dagdagan ang gun safety training at magsagawa ng masinsinang background check sa mga bumibili ng firearms.

Apela pa nito sa DILG at DOJ na siguruhing masampahan ng kaso at makulong ang mga iligal na nagmamay-ari ng baril o firearms.

“Let us ensure that the law is carried out strictly, without fear or favor. We are here to address all possible threats to public order and safety. We agreed to work together to reduce all forms of criminality and violence,โ€ saad ni Romualdez.

Kasama sa pulong sina Interior Secretary Benhur Abalos, Jr., Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr., Chief of Directorate for Investigation and Detective Management Maj. Gen. Eliseo Cruz, NCRPO chief Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, at Deputy Chief for Operations Maj. Gen. Jonnel Estomo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us