????????, ?????? ??????? ??? ????????? ?? ?????? ?? ????? ??????? 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng water concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na nagdodoble kayod na ito para bawasan ang water losses o ang pagkawala ng suplay ng tubig ng 162 million liters per day ngayong 2023.

Katumbas ito ng halos 73 Olympic-size swimming pools na sapat para sa pangangailangan ng 162,000 na katao.

Ayon sa Maynilad, nasa kabuuang 36,000 pipe leaks ang target nitong kumpunihin at 180 kilometro rin ng mga lumang tubo ang papalitan sa Caloocan, Quezon City, Valenzuela City, Malabon, Manila, ParaΓ±aque, Las PiΓ±as, Muntinlupa, hanggang Imus at Kawit sa Cavite.

Para kay Maynilad Chief Operations Officer Randolph Estrellado, mahalaga ang network upgrades na ito hindi lang para mabawasan ang water losses kundi para rin maiangat ang water pressure sa distribution system.

Nauna nang naglaan ang Maynilad ng β‚±4-bilyong pondo para sa Non-Revenue Water (NRW) management program, na layong tugunan ang mga water interruption.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us