Higit isang bilyong piso ang gagastusin oras na isabay ang botohan ng mga delegado para sa itinutulak na Constitutional Convention (Con-Con) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.
Sa pagsalang ng Resolution of Both Houses No. 6 sa plenaryo, natanong ni Camarines Sur Representative Gabriel Bordado si House Committee on Constitutional Amendments Chair Rufus Rodriguez kung mayroong bang sapat na pondo ang gobyerno para sa Con-Con nang hindi masasakripisyo ang mga prayoridad ng pamahalaan.
Ayon kay Rodriguez, mangangailangan ng β±1.5-billion para sa βadditional lineβ para sa eleksyon ng mga delegado ng Con-Con sa opisyal na balota ng BSKE batay sa pagtaya ni COMELEC Chair George Garcia.
Sa komputasyon naman ng Komite, ang βCon-Con properβ ay aabutin ng β±5-billion habang β±3-billion para sa plebesito o yung pagboto kung pabor ba isinusulong na Charter Change.
Giit ni Rodriguez, maliit lamang ang halagang ito kung ikukumpara sa magiging benepisyo ng mga Pilipino oras na maamyendahan ang Saligang Batas at mas mabuksan ito para sa pagpasok ng foreign investments. | ulat ni Kathleen Jean Forbes