Maituturing na “overkill” ang planong buwagin ang party-list system ng bansa ayon kay OFW Party-list Representative Marissa βDel Marβ Magsino.
Para sa mambabatas, imbes na i-repeal at i-abolish ang party-list system ay magsulong na lamang ng reporma na tunay na sasalamin sa layunin ng ating Saligang Batas at ng Party-List System Act.
“The party-list system as embodied in the Constitution has a noble purpose and that is to broaden the democratic base in terms of representation in government. To repeal the law (RA 7941) and abolish the constitutional provision establishing the party list system would be an overkill. Reform the law, not abolish the system,” ani Magsino.
Kamakailan nang ihayag ni Senador Robinhood Padilla na panahon nang buwagin ng party-list system at palakasin ito sa pamamagitan ng pagboto ng party-list nominee base sa adbokasiya ng partido at hindi dahil sa sikat o mayaman ang kandidato.
Pero ayon kay Magsino, mayroon nang umiiral na jurisprudence, ang Paglaum vs. COMELEC, G.R. No. 203766, na nagsasabing sapat na ang isinusulong ng isang party-list nominee ang kapakanan ng sektor na kinatawan nito.
Gayunpaman, kung mayroon aniyang mga nakikitang pagkukulang sa umiiral na batas, ito ay maaaring pag-usapan sa isang demokratikong espasyo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes