Pinapadagdagan ni Quezon City Representative Marvin Rillo ang pondo para sa in-service trainings ng mga guro upang mahasa sa pagtuturo ng English, Math, at Science.
Ayon kay Rillo, kada taon nasa โฑ746-million lang ang inilalaang pondo ng pamahalaan para sa training ng mga public school teachers at itinutulak niyang maitaas ito sa โฑ1.5-billion simula 2024.
Punto ng mambabatas, kailangan ng mga guro ng dagdag na suporta para sa kanilang continuing professional development upang mas maging epektibo sa pagtuturo.
Mungkahi pa ng Quezon City solon na kunin ang tulong ng pinakamagagaling na private K-12 schools sa isasagawang training courses.
Sa kasalukuyan, katuwang ng Department of Education (DepEd) ang ilang pribado at pampublikong institusyon para sa in-serving training programs gaya ng University of the Philippines, Philippine Normal University, at Development Academy of the Philippines.
Kamakailan lang nang aprubahan ng House Committee On Basic Education and Culture ang House Bill 238 na bubuo ng isang Teacher Education and Training Committee (TETC).
Layon nito na magtakda ng minimum criteria sa hiring at evaluating ng mga bago at kasalukuyang mga guro. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
?: PNA