Bumaba pa ang presyo ng panindang pulang sibuyas sa Kadiwa Store sa Sofia Bellevue Condominium, Capitol Hills, Quezon City.
Mula sa โฑ130 per kilo noong nakaraang linggo, mabibili nalang ito sa โฑ110 kada kilo ngayon at kung maramihan ay maaari pang tumawad hanggang โฑ100 ang kada kilo.
Ayon kay Aling Lisa, mula sa El Sanchez Farm, hango sa Nueva Ecija ang mga sibuyas na pinatuyo na kaya hindi agad masisira.
Bukod sa pulang sibuyas, makabibili rin ng puting sibuyas sa halagang โฑ80 kada kilo.
Narito pa ang presyo ng ilang paninda sa naturang Kadiwa store:
Ampalaya – โฑ100
Talong – โฑ70
Kalabasa – โฑ40
Sitaw – โฑ80
Okra – โฑ90
Pechay Tagalog – โฑ60
Broccoli BIG – โฑ100/pc
Pipino – โฑ70
Sibuyas white – โฑ80
Sibuyas red – โฑ110
Kamatis – โฑ20
Luya – โฑ50
Cauliflower – โฑ100
Carrots – โฑ60
Lettuce – โฑ150
Beans – โฑ80
Sitsaro – 250
Kangkong – โฑ15
Leeks – โฑ100
Celery – โฑ100
Talbos – โฑ10
Sayote – โฑ30
Regular na nagbubukas tuwing Huwebes ang naturang Kadiwa store sa lugar kaya naman madalas na inaabangan na ito ng mga residente ng naturang condo. | ulat ni Merry Ann Bastasa