Nababahala ngayon ang Environmental Watchdog na BAN Toxics sa vape waste sa bansa kasunod ng tumataas na interes ng publiko sa pag-vape.
Ayon sa BAN Toxics, matapos itong magsagawa ng monitoring efforts sa Metro Manila, natukoy na may mga gamit nang vapes ang hindi naitatapon ng maayos.
Bukod dito, talamak rin aniya ang bentahan ng disposable vapes sa online sites na naglalaro sa β±50 hanggang β±299 ang presyo.
Ayon kay BAN Toxics Policy and Research Specialist Jam Lorenzo, nakakaalarma rin ang tumataas na bilang disposable e-cigarettes dahil sa nakakadagdag ito sa problema ng e-waste.
Muling ipinaalala ng grupo na dapat may tamang waste management sa pagdidispose ng mga gamit na vape dahil pasok ito bilang
Waste Electrical and Electronic Equipment (WEEE).
Panawagan nito sa pamahalaan, palawakain pa ang kampanya sa tamang disposal ng vaping devices.
Hinikayat rin nito ang vaporized nicotine at non-nicotine manufacturers na kumilos para sa tamang disposal o recycling ng kanilang produkto. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: PNA