Bukas ang Transport group na PISTON na suportahan ang pinaplanong isang linggong transport strike ng MANIBELA at iba pang grupo laban sa jeepney phaseout
Sa isang pahayag, sinabi ni PISTON National President Mody Floranda na pinakikita lamang ng hakbang na handang tumindig ang ibaโt ibang samahan para pigilan ang franchise consolidation at Public Utility Vehicles (PUV) phaseout.
Kasunod nito, muling iginiit ni Floranda ang pagtutol sa pagmamandato sa mga operator na mag-consolidate ng prangkisa dahil sa napakamahal aniya na halaga ng modernization.
Imbes na jeepney phaseout, iminungkahi ng PISTON na mas praktikal kung rehabilitasyon at overhauling na lang ng traditional jeepneys ang itutulak na mas abot kaya pa sa small-time operators.
Nauna nang umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa transport groups na makipagdayalogo muna bago ituloy ang planong isang linggong tigil-pasada. | ulat ni Merry Ann Bastasa