???, ????????? ?? ????????? ?? ????????? ???? ???? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

???, ????????? ?? ????????? ?? ????????? ???? ???? ?????

Nanawagan ngayon ng β€˜mutual responsibility’ ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagsisimula ng Fire Prevention Month ngayong araw.

Ayon kay BFP Chief Director Louie Puracan, ngayong umiinit na ang panahon ay kailangang mas alerto ang publiko dahil kadalasang kaakibat nito ang banta ng sunog.

Paalala nito, laging alalahanin ang mga pag-iingat laban sa sunog.

Makakaasa naman aniya ang mamamayan na magdodoble kayod pa ang BFP para mapanatiling ligtas sa sunog ang bawat tahanan at maipalaganap rin ang fire safety awareness.

Kabilang rito ang OPLAN Ligtas na Pamayanan na isang komprehensibong
fire protection program na ibinababa hanggang sa mga barangay.

Sa kasalukuyan, nasa proseso na rin aniya sa modernisasyon ang BFP tungo sa mas epektibo at mabilis na pagtugon sa sunog at iba pang emergency. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us