????, ???????????? ?? ?? ????? ?3-? ?????????? ?? ??? ???????? ?? ??? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa higit ₱3.1-milyong halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa mga 98 na apektadong barangay sa MIMAROPA at Western Visayas.

As of March 7, umakyat pa sa higit 22,489 pamilya o 92,168 na indibidwal ang naapektuhan ng oil spill.

Mayroon na ring 10 pamilya o 40 indibidwal ang inilikas at ngayo’y nananatili sa evacuation center.

Nauna nang tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang relief assistance nito sa mga apektado at maglulunsad din ng Cash-For-Work program para mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilya na karamihan ay kumikita sa pangingisda, na nawalan ng kabuhayan dulot ng insidente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us