?2? ??????? ?? ????? ?? ????? ?? ???????? ????, ?????????? ??????? ?? ?????????? ????????? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suspendido ang face-to-face (F2F) o in-person classes sa lahat ng antas, sa pampubliko o pribadong paaralan sa Lungsod ng Marikina.

Ito ang kapwa inanusiyo ng Marikina City Local Government Unit LGU gayundin ang tanggapan ng Department of Education (DepEd) sa nasabing lungsod.

Ginawa ang nasabing anunsiyo kasunod ng nakakasang tigil-pasada ng mga grupong pang-transportasyon simula sa Lunes, Marso 6 hanggang Sabado, Marso 11.

Dahil dito, ipagpapatuloy pa rin ng mga mag-aaral ang kanilang gawain at pag-aaral sa kanilang mga tahanan gamit ang modules.

Para sa mga may kakayahan, maaari namang magsagawa ng online classes ang mga mag-aaral sa ilalim ng alternative learning modality.

Kasunod nito, pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga magulang na palaging umantabay para sa kanilang mga anunsiyo hinggil sa mga posibleng pagbabago sa mga susunod na araw. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us