???โ€™? ????? ????????? ??????? ???? ?????????? ?????, ???????? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na ang ibaโ€™t ibang aktibidad ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbubukas ng Fire Prevention Month 2023.

Tampok sa unang araw ng Marso ang sabayang pagpapatunog ng sirena ng mga firetruck at motorcade sa bawat regional offices.

Dito sa National Capital Region (NCR), nagsagawa na ng motorcade kaninang madaling araw ang ibat ibang fire station na naging hudyat ng pagbubukas ng fire prevention month.

Mayroon ding magsasagawa ng unity walk, fire square road show, firefighting exhibition, at paglulunsad ng BFPTV.

Kaugnay nito, isa rin sa major events ng BFP ang taunang fire olympics kung saan ipinamamalas ng mga alagad ng pamatay sunog ang kanilang husay at bilis sa pagresponde tuwing may insidente ng sunog.

Bukod naman dito, paiigtingin rin ng BFP ang malawakang kampanya para maipaalam sa publiko ang mga hakbang para maiwasan at maging ligtas sa sunog. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us