????????? ?????? ???????? ???? ?? ??????? ?? ????, ?????????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain sa Kamara ang isang panukala na layong isailalim sa mandatory safety training ang lahat ng driver ng pampublikong sasakyan bago makakuha ng lisensya.

Sa House Bill 7270 ni Zambales Representative Jefferson Khonghun, ipinunto ng mambabatas ang malaking tulong ang training para makaiwas sa aksidente sa daan.

β€œA good and extensive public transport driver training seminar can provide defensive driving instruction and discussions of accident types and can reduce the likelihood of an accident occurring on our roads,” saad sa explanatory note ng panukala.

Mahaharap sa multang β‚±20,000 ang mga driver na magmamaneho ng pampublikong sasakyan na hindi sumailalim sa mandatory safety training.

Ang magbibigay naman ng lisensya sa driver kahit na wala itong training certificate ay makukulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at/o multa na β‚±50,000.

Kaparehong parusa rin ang ipapataw sa mga magsusumite naman ng pekeng training certificate para makakuha ng lisensya.

Ang mga kompanya naman na magbibigay ng training kahit hindi accredited ng Land Transportation Office (LTO) ay pagmumultahin ng β‚±100,000. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us